Mga transmission lines ng NGCP, nanatiling normal ang operasyon sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Goring

Facebook
Twitter
LinkedIn

Normal pa rin ang operasyon ng mga transmission lines facility ng National Grid Corporation of the Philippines sa buong bansa.

Ito ang tiniyak ng NGCP ngayong hapon sa gitna ng pananalasa ng Bagyong #GoringPH sa ilang lugar sa Northern at Extreme Luzon.

Sa ulat ng PAGASA, napanatili ng bagyo ang lakas nito habang gumagalaw pa Timog-Timog Kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 95 kilometro sa Silangan Hilagang -Silangan ng Casigiran Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 185 km/kada oras malapit sa gitna at bugso ng hanggang 230 km/kada oras

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal #3 sa eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue, Ilagan City, San Mariano).

Maraming pang lalawigan sa Northern Luzon ang nasa Signal# 2 at Signal #1, ayon sa PAGASA.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us