MIAA, nakatakdang magsagawa ng crash rescue exercise ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas maging handa ang ating mga paliparan dito sa Maynila kung sakaling magkaroon ng crash incident nakatakdang magsagawa ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng Crash Rescue Exercise ngayong araw.

Ayon sa MIAA layon ng naturang exercise na masiguro nito na maisasagawa o mai-practice ang MIAA Airport Emergency Plan na kanilang protocols sakaling magkaroon ng anumang crash incident sa lahat ng NAIA terminals sa Maynila.

Dagdag pa ng MIAA na ito’y upang maging handa din ang lahat ng emergency response team ng MIAA kung papaano ang tamang procedure sa mga ganitong insidente.

Nakatakda namang dumalo mamaya si Transportation Secretary Jaime Bautista upang makita personal ang kahandaan ng MIAA kung sakaling magkaroon ng ganiton klase ng insidente. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us