Pinasisilip ni Senior Deputy Minority Leader Paul Daza sa BIR at Bureau of Treasury ang ilang GOCC na hindi umano nagre-remit ng dibidendo sa pamahalaan.
Sa budget briefing ng DBCC sa Kamara ibinahagi ni Daza ang isang COA audit report noong 2022 kung saan mayroong nasa 18 GOCC ang tinukoy na hindi nakapag-remit sa gobyerno ng kanilang dibidendo na aabot sa P2 billion.
Punto ni Daza, kung anong sigasig ng BIR sa paghabol ng tax evaders ay dapat rin aniyang kalampagin ang mga GOCC na mag-remit ng tamang dibidendo.
Paliwanag naman ni National Treasurer Rosalia de Leon na mayroong mga GOCC na maaaring bigyan ng waiver para sa partial remittance ng dibidendo.
Ngunit ito ay depende pa sa approval ng presidente. | ulat ni Kathleen Jean Forbes