Puspusan ang mga hakbang na ginagawa ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan para mapanatiling smoke-free ang mga pampublikong lugar at parke sa lungsod.
Kaugnay nito ay nakatakdang ideklarang smoke-free ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tatlong parke sa San Juan.
Layon nitong maisulong ang public health, mapanatili na malinis, at breathable ang mga pampublikong lugar sa Metro Manila.
Kabilang sa mga ide-deklarang smoke-free na mga parke ay ang Pinaglabanan Shrine, San Juan City Mini Park, at El Polvorin Linear Park.
Pangungunahan nina San Juan City Mayor Francis Zamora at MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang aktibidad bukas sa Pinaglabanan Shrine.
Ayon kay Zamora, welcome sa kaniya ang hakbang na ito ng MMDA na suportahan ang naturang inisyatibo. Aniya, mahalaga ito dahil maraming bumibisita sa mga parke sa lungsod, lalo na ang mga bata kaya kinakailangan na matiyak malinis at maayos ang kapaligiran.| ulat ni Diane Lear