MRT-3, may libreng sakay para sa visually impaired passengers mula Aug 1-6

Facebook
Twitter
LinkedIn

May alok na libreng sakay ang MRT-3 para sa mga pasaherong visually impaired bilang pagdiriwang ng White Cane Safety Day.

Ayon sa pamunuan ng tren, maaaring ma-avail ang free ride sa buong oras ng operasyon ng MRT-3 simula ngayong araw, August 1 hanggang August 6.

Kailangan lamang ipresenta ang valid Persons with Disabilities (PWD) Identification Card sa security personnel ng mga istasyon.

Pahihintulutan din ang isang companion o kasama ng pasahero na makasakay nang libre sa mga tren.

Kasunod nito, tiniyak naman ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino na patuloy na bibigyang prayoridad ang kapakanan at mga karapatan ng visually impaired passengers sa sapat, mabilis, komportable, at maaasahang transportasyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us