MRT-3, nakahanda na para sa pagbubukas ng klase sa darating na August 29

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakataas na sa heightened alert status ang buong linya ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na Martes, August 29.

Kasunod na rin ito ng direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na siguraduhing ligtas, maayos, at maginhawa ang biyahe ng linya sa darating na pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral.

Sinimulan ng MRT-3 ang “Oplan Biyaheng Ayos: Balik Eskwela 2023” nitong August 22 at iiral hanggang September 1.

Inatasan na ni DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino ang bawat division ng MRT-3, na siguruhing sapat ang bilang ng mga tauhan na aagapay sa mga pasahero lalo na sa mga estudyanteng magbabalik-eskwela.

Nakatutok na 24/7 ang mga tauhan ng operations division, upang mabilis na makaresponde sa anumang maiuulat na insidente sa kasagsagan ng balik-eskwela.

Mayroon ding sapat na bilang ng mga tren para matugunan ang anumang pagtaas sa bilang ng mga pasahero.

Sa ngayon, may 18 train sets na tumatakbo sa main line tuwing peak hours at nasa tatlo hanggang apat ang spare trains. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us