Multinational Counter-Piracy Task Force, pamumunuan ng Philippine Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na umupo bilang pinuno ng Multinational Counter-Piracy Task Force si Philippine Navy Captain Mateo Carido sa change of command ceremony sa Manama, Bahrain nitong Lunes.

Pinalitan ni Capt. Carido si Republic of Korea Navy Rear Admiral Ko Seung-bum bilang Commander ng Combined Task Force (CTF) 151, isa sa limang operational task forces sa ilalim ng Combined Maritime Forces, ang multinational naval partnership ng 38 bansa.

Ang Combined Maritime Forces ang responsable sa pagtiyak ng seguridad sa 3.2 million square miles ng karagatan na sumasakop sa mga pinakamahalagang international shipping lanes.

Bago manungkulan bilang commander ng CTF 151, si Capt. Carido ang Philippines Senior National Representative sa CMF.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Capt. Carido na ang presensya ng Philippine Navy sa rehiyon ay patunay ng kanilang commitment sa pagtataguyod ng maritime security sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang bansa.

Ito ang unang pagkakataon na pangungunahan ng isang Pilipinong opisyal ang CTF-151, na responsable sa seguridad sa Gulf of Aden at sa Eastern Coast ng Somalia. | ulat ni Leo Sarne

📷: CMF PAO & LCDR EJ PABLICO PN

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us