Pinahayag ni Senador Alan Peter Cayetano na liliit na ang mundo ni suspended Ccongressman Arnulfo ‘Arnie’ Teves Jr. kasunod ng desisyon ng anti-terrorism court (ATC) na ideklarang ‘terorista’ si teves at 12 iba pa.
Pinaliwanag ni Cayatenao na sa pamamagitan ng naturang desisyon ay malilimitahan ang galaw ni Teves kabilang na ang pag-freeze ng kanyang mga pera sa bangko.
Aniya, kahit sinong ma-designate bilang terorista ay malilimitahan na rin ang galaw sa ibang mga bansa, lalo na dito sa Pilipinas.
Ayon sa senador, may mga hakbang kasi na pinapayagang gawin ang law enforcers sa mga made-designate na terorista.
Sa kabila nito, sinabi pa rin ni Cayetano na dapat pa ring mabigyan ng oportunidad akusado na i-contest ang desisyon o ipagtanggol ang kanyang sarili.
May mga legal remedies pa aniyang maaaring gawin ang panig ng mga akusado para mabago ang desisyon ng ATC.| ulat ni Nimfa Asuncion