Mungkahing boycott sa mga produkto, kumpanya ng China, kailangang pag-aralang maigi — Sen. Chiz Escudero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Senador Chiz Escudero na dapat mag-ingat at pag-isipang maigi ang suhestiyon na i-boycott ang mga produkto at kumpanya ng China na narito sa Pilipinas.

Sinabi ni Escudero na kailangang alamin kung ano ang magiging resulta ng naturang hakbang at kung ano ang magiging epekto nito sa lahat.

Ipinunto ng senador na ang mga proyekto sa Pilipinas na may Chinese contractor ay mga proyektong inutang ng ating bansa sa China o tulong nila sa atin.

Dagdag pa dito, 33 percent aniya ng mga inaangkat nating produkto ay mula China habang 16 percent ng mga exports natin ay dinadala sa China.

Kaya naman sakali aniyang gumanti ang China sa magiging hakbang ng Pilipinas ay mawawala ito.

Giit ni Escudero, hindi siya tutol sa suhestiyon na boycott pero mahalaga aniyang balansehin ang magiging epekto nito.

kabilang pa aniya sa mga dapat ikonsidera ay kung may makukuhang mas murang produkto maliban sa China at ang mga Pilipinong posibleng mawalan ng trabaho mula dito. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us