Target ng Philippine National Police (PNP) na makabili pa ng mas maraming body-worn cameras para sa mga ikinakasa nilang operasyon.
Iyan ang tugon ng PNP sa naging mungkahi ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dagdagan pa ang pondo ng PNP para sa pagbili ng mga ito.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, welcome development para sa kanila ang anumang hakbang mula sa mga mambabatas sakaling aprubahan nga ng mga ito ang dagdag pondo.
Sa ngayon, sinabi ni Fajardo na nasa 2,756 lamang ang nabili nilang body-worn cameras kung saan, 60 rito ay mula pa sa donasyon mula sa Public Safety Savings & Loan Association Incorporated (PSSLAI).
Dahil dito, mangangailangan pa aniya ang PNP ng may 45,000 mga body-worn camera na siyang gagamitin ng mga pulis sa lahat ng kanilang mga operasyon. | ulat ni Jaymark Dagala