Mungkahing gawing special PH envoy to China si dating Pangulong Duterte, pinaboran ni Sen. Bong Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Senator Bong Go ang naging suhestiyon ni Senator Alan Peter Cayetano na maaaring maitalaga si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang special envoy ng Pilipinas sa China.

Ayon kay Sen. Go, magandang ideya ito lalo’t kilalang malapit ang dating Pangulo kay Chinese President Xi Jin Ping.

Nasaksihan aniya ito ng publiko sa kamakailan lang na pagbisita ni dating Pang. Duterte sa China kung saan nakipagkita pa ito sa Chinese leader.

Kung sakali, makatutulong aniya ang pagtatalaga kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para mapanatili ang magandang relasyon ng Pilipinas sa China, at maisulong din sa maayos na diyalogo ang interes ng bansa.

Una nang sinabi ni Sen. Cayetano, na magiging epektibong special envoy ng bansa si dating Pangulong Duterte at makatutulong ito sa pamamagitan ng back-channel basis.

Sa tanong naman kung tatanggapin ng dating Pangulo kung magkaroon ng alok sa kanya hinggil dito, si dating Pangulong Duterte na raw ang makakasagot, ayon kay Sen. Go. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us