Pormal na idineklara bilang malaya mula sa impluwensya ng teroristang grupong Abu Sayyaf ang mga munisipalidad ng Siasi at Pandami sa Sulu.
Ayon kay Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, Commander of Joint Task Force Sulu at 11th Infantry Division, idineklarang ASG-free ang 2 munisipalidad ng Municipal Task Force in Ending Local Armed Conflict (MTF-ELAC) nitong August 19, 2023.
Nagpapasalamat naman ang mga lokal na pamahalaan ng Siasi at Pandami sa mga pulis at sundalo maging sa kooperasyon ng publiko dahil nakamit na ang kapayapaan sa naturang mga bayan.
Sinabi pa ni Gen. Patrimonio na sa pamamagitan nito ay sisigla ang turismo at magiging bukas na sa mas maraming oportunidad na maaaring magbigay ng kabuhayan sa mga residente ng Siasi at Pandami.
Inamin ng opisyal na malaking hamon sa kanila ang pagpapanatili ng kapayapaan, kaya’t hinihimok niya ang publiko na makiisa upang makamit ang “long lasting peace” sa kanilang lalawigan. | ulat ni Leo Sarne
📷: 11ID