Muntinlupa at Naga City, napiling pilot area sa ‘early voting hours’ sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo sa Security and Command Conference sa Camp Crame ngayong umaga na dalawang siyudad ang magiging pilot area sa early voting hours sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30.

Ayon kay Comelec Deputy Executive Director for Operations Atty. Rafael Olaño, pahihintulutan ang mga senior citizen at persons with disabilities (PWD) na makaboto ng mas maaga sa Muntinlupa City at Naga City.

Sa kabuuan, mayroong 74,771 na mga senior citizen at 1,187 PWDs sa dalawang siyudad ang kwalipikado na makaboto ng mas maaga mula sa itinakdang voting hours na alas -7 ng umaga hanggang alas- 3 ng hapon.

Sa Naga City, bibigyan ng pagkakataon na makaboto exclusively mula alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng umaga sa October 30, ang 22, 229 senior citizens at 938 PWD.

Habang sa Muntinlupa, 52, 542 na mga senior citizen at 249 PWDs ang maaaring makaboto ng maaga. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us