NAIA Terminal 1, balik normal na ang operasyon makaraang mag negatibo sa bomb threat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakabalik na sa normal ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 matapos mabulabog ng isang bomb threat, kaninang umaga.

Nangyari ito matapos kumalat ang isang text message sa departure area ng NAIA Terminal 1.

Dahil dito, agad nagpakalat ng mga tauhan ang PNP Aviation Security Group gayundin ang Airport Police Department, para halughugin ang buong terminal.

Ginamit na rin ng PNP Avsegroup ang kanilang K9 unit, para magsagawa ng paneling katuwang ang mga operatiba ng PNP Special Operations Unit at Explosive and Ordnance Division. 

Tumagal ng tatlong oras ang ginawang paneling, at kalaunan ay lumabas na negatibo naman sa anumang uri ng bomba ang Paliparan.

Pero, hindi pa rin nagpapakampante rito ang mga awtoridad at patuloy silang naka-alerto para tiyakin na rin ang kaligtasan ng mga pasahero. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us