NAIA Terminals, balik operasyon na matapos ibaba sa Yellow Lightning Alert Status — MIAA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik operasyon na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos maglabas ng Lightning Red Alert kaninang alas-5:22 ng umaga kung saan nakaranas ng pagkulog at pagkidlat at malakas na pagbuhos ng ulan.

Ayon sa MIAA, ibinababa na nila sa Yellow Alert ang ground operations as of 5:35 am at balik na ang mga flight operations ng mga pasahero patungo sa kanilang destinasyon.

Samantala, patuloy naman ang pag-aabiso nila sa pasahero sa ilang pagka-antala ng mga biyahe ngayong umaga ngunit sinisiguro pa rin ng MIAA na safe ang mga ito patungo sa kanilang mga flight destination. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us