Ipinatawag sa hearing ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa loob ng Bureau of Corrections ang nakatakas at balik loob na PDL na si Micheal Cataroja ngayong umaga.
Isa sa paksa ng naturang pagpapatawag sa kanya sa naturang pagdinig ay kung papaano ito nakatakas sa loob ng maximum security compound ng NBP at kung may kasabwat itong BuCor personel sa kanyang pagtakas.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang naturang pagdinig at kasama ang ilang senador sa pangununa ng chairperson ng komite na si Senator Francis Tolentino. | ulat ni AJ Ignacio
📷: Senate LCSS for Governance and Legal Concerns