Nangyaring pagbaha sa bahagi ng NLEX, iimbestigahan na rin ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bubusisiin na rin ng Senado ang naranasang matinding pagbaha sa North Luzon Expressway (NLEX) sa may bahagi ng San Simon, Pampanga.

Sa inihaing Senate Resolution 725 ni Senador Grace Poe, ipinaaalam ng senador kung ang pagbaha ay dahil sa bagyong Egay at habagat.

Layunin ng imbestigasyon na maiwasan ang kaparehong insidente sa mga susunod na araw, at kung may ginagawa bang hakbang para maiwasan ang pagbaha at abala sa mga motorista bilang nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa expressway ang insidente.

Matatandaang lumubog sa nasa 50 sentimetrong baha ang northbound at southbound part ng NLEX sa may San Simon Pampanga, at umabot ng hanggang anim na kilometro ang pila ng mga sasakyan.

Umabot rin ng hanggang anim na oras ang pagkakaipit sa trapiko ng mga motorista. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us