Napapanahong modernisasyon ng Bureau of Immigration, malaking tulong para sa border control ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ng isang mambabatas ang kahalagahan ng pagpapatibay sa panukalang Bureau of Immigration Modernization.

Ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte oras na maging ganap na batas ang panukala ay bubuo ng isang P1.2 billion-Immigration Trust Fund.

Dito aniya huhugutin ang pondo para imodernisa ang mga kagamitan ng BI, at gawing competitive ang sahod ng mga junior immigration officer maliban pa sa pagbibigay ng karampatang benepisyo gaya ng night time differential.

Sa pamamagitan aniya ng pagtaas sa salary grade ng immigration officer ng dalawang baitang ay umaasa ang mambabatas na mas makakahikayat ang BI ng mga aplikante.

Magreresulta naman aniya ang digitization at professionalization sa hanay ng BI, para mas mapaigting ang border control ng bansa at maipatupad ng tama ang immigration law.

Napapanahon aniya ito lalo at tumataas ang bilang ng cross border crimes, at upang mapigil ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhan na sangkot sa drugs at human trafficking, prostitution, terrorism, illegal recruitment at financial crimes. | ulat ni Kathleen Forbes 

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us