Ihahatid na sa kanyang huling hantungan si Jemboy Baltazar, ang nasawing biktima ng mistaken identity sa Navotas city ngayong araw, August 16.
Nakatakdang dalhin mamayang hapon ang mga labi ni Jemboy sa San Lorenzo Ruiz Parish para sa huling misa bago ito ihatid sa La Loma Cemetery.
Inaasahang magsusuot ng puting damit ang pamilya nito na may mga katagang #JusticeforJemboy
Kahapon, humarap na sa preliminary investigation ang pamilya at kaibigan ni Jemboy Baltazar na tumatayong testigo sa kaso.
Samantala, sa huling lamay naman ng biktima kagabi, ilang personalidad pa ang bumisita kabilang si Northern Police District Chief PBGen. Rizalito Gapaz at si Senador Raffy Tulfo. | ulat ni Merry Ann Bastasa