Nasa 150,000 na delivery service riders, makatatanggap ng fuel subsidy mula sa pamahalaan ngayong Agosto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang 120,000 hanggang 150,000 na mga kwalipikadong delivery service riders ang makatatanggap ng fuel subisidy mula sa pamahalaan.

Ayon sa Department of Transporatation (DOTr), target nilang maipatupad ang Fuel Subsidy Program sa katapusan ng Agosto kapag nailabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo.

Kaugnay nito ay nakikipag-ugnayan na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) sa DBM para sa pagsusumite ng mga budgetary document upang mapabilis ang pag-release ng pondo.

Sa ngayon, ay pinaplantsa na ang listahan ng mga delivery service rider na makatatangap ng fuel subsidy na P1,000 hanggang P1,200.

Ito ay ike-credit sa kanilang e-wallet at iba pang bank accounts, at kung sila ay may Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ID, maaari rin nila itong gamitin para matanggap ang subsidiya.

Kung walang e-wallets, maaari naman itong i-claim sa pamamagitan ng over-the-counter withdrawal sa mga itinalagang Land Bank of the Philippines branches.

Matatandaang noong Marso, inihayag ng DBM na nasa P3 bilyon pondo ang inilaan sa fuel vouchers para sa mga kwalipikadong PUV operators. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us