NATCCO, pumirma ng 2 taon na kontrata sa Twala para sa digitalization ng kanilang Member Cooperative

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumirma ng dalawang taon na kontrata ang National Confederation of Cooperatives (NATCCO) sa Twala para i-digitized ang mga transaksyon sa lahat ng mga member cooperative nito.

Sa isinagawang Billionaire Co-ops’ Summit 2023 na dinaluhan ng 40 na billionaire Cooperative, layun nito na mas pabibilisin ang mga transaksyon at paper-based workflows.

Ang NATCCO ang magiging exclusive distributor ng Twala’s advanced products and services sa mga member cooperatives sa buong bansa.

Ang pagsasanib ng NATCCO at Twala ay paraan para mas moderno ang operasyon at serbisyo ng mga kooperatiba gamit ang innovative digital solutions.

Noong April 12, 2023, nakipag kasundo rin ang Twala sa Supreme Court para magkaroon ng mga electronic notarization sa bansa.

Sa pamamagitan ng partnership ng NATCCO at Twala, tiwala si Engr. Sylvia Paraguya, Chief Executive Officer ng NATCCO, mas mapapabilis ang ugnayan nila sa mga members Cooperative upang maserbisyuhan ng maayos ang kanilang mga stakeholders.

Sa pagtatapos ng Billionaire Co-ops’ Summit 2023, ang pagsasanib pwersa ng NATCCO-Twala partnership ay isang pa tunay na ang  local innovative na kailangan yakapin na ng local market ang ganitong teknolohiya upang makasabay sa digitalization challenges. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us