National Technical Education and Skill Development Plan, inilunsad ng TESDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang National Technical Education and Skills Development Plan para sa taong 2023 hangang 2028.

Personal na pinasinayaan nina TESDA Secretary and Director General Suharto Mangudadatu, Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Senator Mark Villar, at US Ambassador to the Philippines Ambassador Marykay Carlson ang paglulunsad ng naturang programa.

Ayon kay TESDA Secretary and Director General Suharto Mangudadatu, layon ng NTESDP na magkaroon ng inclusive at aggressive approach ang gobyerno sa pagpapalakas ng tech-voc courses at makasabay sa “global competitiveness” ang bansa sa pamamagitan ng skilling, reskilling at upskilling sa mga TVET scholar.

Kaungay nito, nagpaabot ng supporta si United States Ambassador to the Philippines Marykay Carlson sa naturang development programs ng TESDA upang umagapay sa mga programa sa tech-voc skills training sa bansa at para sa ikauunlad ng bawat Pilipino.

Sa huli sinabi ni Mangudadatu sa publiko na pag-iibayuhin pa ng TESDA ang kanilang trabaho upang maghatid ng mas produktibong TVET scholars sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us