Nat’l Commission on Indigenous People, nakipagpulong sa DOT para sa partnership sa pagpapalakas ng skills enhancement ng bawat IPs sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong ang National Commission on Indigenous (NCIP) People sa Department of Tourism (DOT) para sa isang partnership na magpapalakas ng skills enhancement ng bawat IP sa bansa.

Layon ng naturang pagpupulong na balangkasin ang isang Memorandum of Understanding para sa pagkakaroon ng skills enhancement ng mga IP communities na malaki ang naiaambag sa tourism sector ng bansa.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, karamihan sa mga IP communities ay nasa tourism frontline workers, partikular sa ilang mga tourist destination sa bansa.

Ayon naman kay NCIP Chairperson Allen Capuyan, maganda ang layunin ng kanilang pakikipag-partnership sa DOT dahil mas mapapayabong pa ang kaalaman ng ating IPs dahil sa mga programang hatid ng DOT na isa sa mga matagal nang ka-tie up ng kanilang tanggapan.

Makakaasa naman ani Frasco ang NCIP na palagiang tutulong sa pagsuporta sa IP communities sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us