Navotas LGU, pinarangalan ng DOH sa laban vs. tuberculosis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng Department of Health (DOH) ang pagsisikap ng Navotas local government para matugunan ang sakit na tuberculosis sa lungsod.

Sa isinagawang DOH Race to End TB Annual Awards, nagkamit ang LGU ng silver award sa mataas na Treatment Coverage Rate sa naturang sakit.

Ayon sa DOH, umabot sa 93.9% ang itinaas ng TB case detection rate sa Navotas noong 2022.

Nagpasalamat naman si Navotas Mayor John Rey Tiangco sa mga health worker sa lungsod sa kanilang dedikasyon para matulungan ang mga residenteng tinatamaan ng TB.

Patuloy rin nitong hinikayat ang mga pasyente na magpagamot ng libre sa limang accredited Tuberculosis-Directly Observed Treatment Strategy (TB-DOTS) Center sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us