Nawawalang PDL sa New Bilibid Prisons na si Michael Cataroja, nahuli na sa Angono, Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ang masusing paghahanap sa person deprived of liberty (PDL) na hininalang namatay at nawawala ay nahuli na ng Angono, Rizal Police si Michael John Cataroja kahapon sa Sitio Manggahan, Barangay San Isidro, Angono, Rizal.

kung saan naaktuhan na nasa loob ito ng kanyang tinutuluyan at agad na pinosasan si Cataroja at agad na binasahan ng Miranda Rights para sa standard operating procedure (SOP) ng Pulisya.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng Angono Police at nakatakdang i-turnover sa Bureau of Corrections (BuCor) upang ibalik na sa loob ng Maximum Security Compound si Cataroja.

Kaugnay nito, magsasagawa ng Board of Inquiry ang BuCor hinggil sa kung papaano nakatakas ang naturang PDL at kung may sangkot na opisyal o kawani ng BuCor sa kanyang pagtakas. | ulat ni AJ Ignacio

📸: PRO-4A

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us