NCRPO, inatasan ang mga Police station sa buong Metro Manila na bumuo ng Anti-Cyber Crime Desk para sa pagpapalakas ng kampanya vs. online scams

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang bawat Police district at community precinct sa Metro Manila na magtalaga ng Anti-Cyber Crime Desk para sa pagpapalakas ng kampanya kontra online scams at online crimes.

Ayon kay NCRPO Regional Director Major General Jose Nartatez Jr., kinakailangan na may cybercrime desk sa bawat Police precinct dahil sa patuloy na pagkakaroon ng technological advancement sa ating bansa kaya naman nagiging digital na rin ang pagawa ng krimen.

Kaungay nito 223 Police officers ang sumalang at naka-graduate ng Basic Cybercrime Investigation Seminar upang makatugon sa mga krimen na isinagawa thru online.

Muli namang nagpaalala si Nartatez sa publiko na huwag mag-atubiling isumbong sa mga Anti-Cybercrime Desk ng bawat presinto sa Kalakhang Maynila ang mga online scams at agad nila itong aaksyunan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us