NDRRMC, nakatutok sa pagtulong sa mga lugar na apektado ng Bagyong Goring; Publiko, pinaalalahanan na manatiling mapagmatyag sa paparating na bagyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang patid ang pakikipag-ugnayan ng Office of the Civil Defense (OCD) sa kanilang mga counterpart sa mga lalawigan gayundin sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan. Ito’y ayon sa OCD ay upang tiyakin na makararating ang tulong ng Pamahalaan sa mga lugar na apektado ng Bagyong #GoringPH. Ayon kay OCD-National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director, USec. Ariel Nepomuceno, nakahanda ang mga tulong ng Pamahalaan para sa mga nasalanta ng bagyo. Sa katunayan, naka-standby na aniya ang may P2.4 bilyong halaga ng mga relief stockpile mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Gayundin ang kanilang emergency telecommunication equipment, medical logistics at Search/Rescue and Retrival assets na maaaring gamitin sakaling kailanganin. Bagaman, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Goring sa Huwebes, Agosto a-31, inaasahang malaki ang iiwanang epekto nito sa lalawigan ng Batanes. Kasunod nito, sa nasabi ring araw inaasahan ayon sa PAGASA ang pagpasok ng isa pang Tropical Depression sa PAR na papangalanan namang Bagyong #HannaPH.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us