Ikinalugod ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang muling pagbaba sa 4.7 percent ang inflation rate sa bansa ngayong Hulyo.
Mas mababa ito kumpara noong buwan ng Hunyo na nakapagtala ng 5.4 percent.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan, ito ay magandang indikasyon dahil sa unti-unting pagbagal ng inflation ay bababa na rin ang presyo ng ilang food commodities sa merkado.
Dagdag pa ni Balisacan, na bagamat nagkaroon ng dalawang magkasunod na bagyo at naapektuhan ang sektor ng agrikultura, ay patuloy na na-monitor ng kanilang tanggapan na napanatili ng ating bansa ang patuloy na pagbaba ng inflation rate. Samantala, muli namang sinabi ni Secretary Balisacan sa publiko, na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang hindi na muling tumaas ang inflation rate ng ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio