Nananatiling positibo ang National Economic and Development Authority (NEDA) na maaabot ng pamahalaan ang anim hanggang pitong porsyentong paglago sa ekonomiya ng bansa para sa taong 2023, sa kabila ng 5.3 percent na paglago sa first half ng taon.
Sa naging talumpati ni Socioeconomic Secretary Arsenio Balisacan sa briefing ng Development Budget Coordination Committee, sinabi nito na kinakailangan ng bansa na makakuha ng 6.6 percent para sa second half ng 2023 upang makamit ang 6 to 7 percent growth ngayong taon.
Ilan sa mga hakbang na nais gawin ng NEDA ay kailangang ma-sustain ang downtrend sa inflation sa pamamagitan ng pagpapalakas ng supply-side intervention at demand-side management.
Sinabi rin ni Balisacan na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagpapatupad ng Philippine Development Plan 2023-2028 na bahagi ng 8-point socioeconomic agenda ng administrasyong Marcos. | ulat ni Gab Humilde Villegas
📸: NEDA