NGCP, nagpadala ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghatid ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng relief assistance para sa mga lalawigang matinding tinamaan ng Bagyong Egay.

Kabilang sa ipinamahagi nito ang nasa 1,750 relief packs, 3,400 packs of rice, at 600 tig-10-litro ng tubig sa mga lalawigan ng Abra, Cagayan, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Bukod dito, nagturnover rin ang NGCP ng 450 tarpaulin sheets sa LGUs na maaaring magamit na materyales para sa temporary shelter ng mga evacuee.

As of August 9, sumampa na sa 3.4 milyong indibidwal ang apektado ng Bagyong Egay kung saan nasa higit 6,000 pa ang nananatili sa evacuation centers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us