NHA GM Joeben Tai, idinipensa ang isinusulong na charter renewal ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai na malaki pa rin ang gampanin ng kanilang ahensya para matugunan ang pangangailangan ng pabahay sa bansa.

Tugon ito ni NHA GM Tai matapos magsagawa ng kilos protesta ang ilang grupo sa harap ng tanggapan kahapon dahil sa pagtutol sa patuloy na operasyon at extension ng NHA Charter.

Sa isang pahayag, sinabi ni GM Tai na dapat pang mapalawig ang mandato at Charter ng kanilang ahensya na nakapaloob sa panukala ni Speaker Martin Romualdez.

Punto nito, tuloy-tuloy na ang ginagawa nitong pagpapaunlad sa kalagayan sa pabahay ng mga pangunahing benepisyaryo nito gaya ng informal settler families (ISFs), kawani ng gobyerno, mga nasalanta ng kalamidad, indigenous peoples, at mga nagbalik-loob sa gobyerno.

Dagdag pa ng opisyal, mas maayos na charter ang inaasahan nitong ipapasa ng Kongreso na naaayon at sasagot sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon.

“Hindi solusyon ang pagbuwag ng NHA sapagkat tuloy- tuloy ang pagbabagong ginagawa ng Ahensya upang matugunan ang mga problema sa pabahay sa bansa, bagkus marapat itong i-extend at palakasin para patuloy na makatulong sa pagpapaunlad ng kalagayan sa pabahay ng mga informal settler families (ISFs), kawani ng gobyerno, mga nasalanta ng kalamidad, indigenous peoples, mga nagbalik-loob sa gobyerno, ang ilan lamang sa mga pangunahing benepisyaryo nito. Mas maayos na charter ang inaasahan nating ipapasa ng Kongreso na naaayon at sasagot sa pangangailangan ng kasaluluyang panahon,” ani GM Tai.

Sa kasalukuyan ay nakasalang pa sa Kamara ang House Bill 8156 na inihain ni House Speaker Martin Romualdez at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos na mag-aamyenda sa Presidential Decree 757 at layong gawing perpetual o panghabang-buhay ang charter ng NHA na nakatakdang mag-expire sa 2025. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us