NHA, nagkaloob ng lot allocation sa 75 pamilya sa Camp Atienza, QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginawaran ng National Housing Authority (NHA) ang 75 pamilya sa Quezon City ng Certificate of Lot Allocation (CLA) para sa kanilang mga tahanan sa Camp Atienza Socialized Housing Project.

Pinangunahan ni NHA NCR-East Sector OIC Ar. Kristiansen Gotis, kasama si Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte, ang pagkakaloob ng mga sertipiko sa mga benepisyaryo sa ginanap na seremonya sa Brgy. Libis Covered Court, Quezon City.

Ang CLA ay katibayan ng karapatan ng mga ito sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga tirahan na may lawak na 5,434 square meters.

Dahil dito, matutuldukan na ang karanasan ng mga pamilyang ito na deka-dekada nang informal settler sa Camp Atienza.

Sa isang pahayag, sinabi naman ni NHA General Manager Joeben Tai na ang proyektong ito ay bunga ng ipinatutupad na ‘The Bases Conversion and Development Act of 1992’ kung saan isa ang NHA sa mga naatasang magsaayos ng mga dating base militar ng bansa upang maging kapaki-pakinabang sa mga mamamayang Pilipino. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us