NIA, nakwestiyon dahil sa hindi pagbibigay abiso sa lokal na pamahalaan ng bulacan nang magpakawala ng tubig mula sa dam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuna ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senador Francis Tolentino ang hindi pag-abiso ng National Irrigation Administration (NIA) sa mga lokal na pamahalaan tuwing magpapakawala ng tubig sa mga dam.

Ang pagpapakawala kasi ng tubig sa dam ang itinuturong dahilan ng lokal na pamahalaan ng Bulacan kaya lubog sa baha ang ilan sa kanilang mga bayan.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, pinaabot ni Tolentino ang hinaing ng Bulacan LGU na nasbigla ang mga residente ng bulacan noong Sabado sa pagtaas ng tubig at nataon pang high tide din ng araw na iyon.

Hindi naman nakadalo sa pagdinig si Bulacan Governor Daniel Fernando dahil sa ngayon ay abala pa ito bilang nasa ilalim ng ‘state of calamity’ ang Bulacan.

Tugon naman ni NIA Chief Eduardo Guillen, may pinapatupad naman silang protocol na advance information na pinapadala sa provincial disaster risk reduction and management office (PDRRMO) ng Bulacan kapag magpapakawala ng tubig mula sa dam.

Tinatayang labing anim na bayan at tatlong siyudad sa buong lalawigan ng Bulacan ang apektado ng matinding pagbaha.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us