Nag-abiso na ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa inaasahang pagbigat ng trapiko sa ilang bahagi ng expressway dahil sa pagsisimula ng FIBA World Cup sa Philippine Arena sa Biyernes, August 25.
Ayon sa NLEX Corporation, partikular na makararanas ng pagsikip ng trapiko ang patungo ng Bocaue/Santa Maria.
Dahil dito, pinapayuhan na ang mga motorista na maglaan ng mas maraming oras kung hindi maiiwasang bumiyahe sa Biyernes.
Maaari ring dumaan sa mga alternatibong ruta o mag-exit sa Marilao, Bocaue o Tambubong.
Para naman sa mga ticket holder o mga manonood ng Fiba World Cup, pinadadaan ang mga ito sa Ciudad de Victoria exit na 100% RFID Plaza at walang cash lane.
Tiniyak rin ng NLEX na may mga ide-deploy itong traffic personnel sa strategic areas para umalalay sa mga motorista. | ulat ni Merry Ann Bastasa