NPC, nagpaalala hinggil sa paggamit ng carbon copy o “CC” function sa email

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang National Privacy Commission hinggil sa panganib na dulot ng maling paggamit ng carbon copy o “CC” function sa mga komunikasyon sa pamamagitan ng email.

Ito ay matapos mapansin ng Komisyon ang mataas na bilang ng human error, lalo na ang maling paggamit ng CC function na siyang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga security incident magmula noong 2021.

Sinabi rin ng NPC na ang errors na ito ay humantong sa hindi sinasadyang data exposure, na posibleng makompromiso ang privacy at seguridad ng mga sangkot na data subjects.

Hinihikayat rin ng Komisyon na suriin kung ang blind carbon copy na “bcc” function ay mas naaangkop na paraan ng paghahatid ng mga email.

Pinaalalahanan rin ng Komisyon ang pamahalaan at ang mga pribadong sektor ay maaaring mapaparusahan sa ilalim ng Data Privacy Act at mga nauugnay na issuances ng NPC kung bigo ang mga ito na magpatupad ng mga sapat na hakbang sa pagkakaroon ng data protection. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us