Nangako si House Ways and Means Committee Chair Joy Salceda na susuportahan ang panukala para sa pagkakaroon ng nuclear energy sa bansa.
Ayon sa mambabatas, makatutulong ang nuclear power sa ating food security at housing needs.
Punto ng kinatawan, para sa isang bansa na limitado ang lupain para sa espasyo, ang nuclear energy ang isa sa mga pinakamainam na option.
Kung ikukumpara kasi aniya sa wind at solar energy ay mas maliit na espasyo lang ang kakailanganin para dito kaya hindi maaapektuhan ang lupang sakahan at pabahay.
“Let me give you some perspective on this. To power the entire country with wind power, you need an area the size of the entire Bicol Region. To power it with solar power, you need an area the size of the entire province of Albay. So, from a land use standpoint, renewable may be good for the environment and is good as part of our energy mix, but we still need space efficient sources,” paliwanag si Salceda.
“By contrast, hypothetically, if all our energy was nuclear, the City of San Juan, NCR’s smallest by land area, can host all of the nuclear plants needed to power the country at peak demand and still have plenty of space left,” dagdag ng kongresista.
Maliban dito, mas mura din ang pagtatayo ng nuclear ng 28% kaysa sa coal planta.
Mungkahi naman ni Salceda na gayahin ang regulatory framework ng France pagdating sa pagtatayo at operasyon ng nuclear energy plants.
“As far as international models go, the way forward is France. They build their plants quickly, and their plants are extremely safe. Even their worst ever accident caused no casualties and was quickly resolved,” saad ng Albay solon.
Sa kasalukuyan, nakabinbin pa rin sa Kamara ang panukala para sa pagtatatag ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority. | ulat ni Kathleen Jean Forbes