Nueva Ecija solon, pinababalik ang kapangyarihan ng NFA para magsilbing rice price stabilizer

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinakokonsidera ni Nueva Ecija Representative Ria Vergara sa Department of Agriculture na isama sa kanilang legislative agenda ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL).

Ito ay upang mapanumbalik ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) bilang stabilizer ng presyo ng bigas.

Sa deliberasyon ng ₱167.5-billion 2024 proposed budget ng ahensya sinabi ni Vergara na kung maibabalik ang dating papel ng NFA na taga-import ng bigas ng bansa at nagbebenta sa mas mababang presyo, mapipilitan ang rice cartel na ibaba rin ang kanilang benta ng bigas.

“Basta may market stabilizer, magbebenta ng murang bigas at ₱27, ₱28… these rice cartels will start to lower their price. Because meron pong magdidikta… So I hope that in your legislative agenda, you will request for an amendment to the Rice Tariffication Law, specifically to give NFA back its power,” Ani Vergara.

Inihalintulad pa ni Vergara ang RTL sa EPIRA Law kung saan ipinasa sa pag-aakalang mapapababa nito ang presyo ng kuryente.

“Para lang po yan yung kuryente, yung EPIRA. We all thought that if we passed that babagsak ang presyo ng kuryente. It didn’t happen because government left power generation. In the same way here now with rice industry, we took away the NFA’s power to supply rice at an affordable cost,” dagdag ng kinatawan.

Sa ngayon ang tanging papel na lang ng NFA ay tiyaking may buffer stock ng bigas na magagamit kapag mayroong kalamidad. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us