Inengganyo ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na gamitin ang mga online Disaster Risk Reduction and Management tools na makakatulong sa pag-iwas sa kapahamakan.
Kabilang dito ang Hazard Hunter PH (https://hazardhunter.georisk.gov.ph/ ), na isang mobile at web application ng Department of Science and Technology (DOST) na nagbibigay ng hazard assessment report kung ang isang lugar ay delikado sa mga seismic, volcanic, o hydrometeorological hazards.
Habang ang Fault Finder (http://faultfinder.phivolcs.dost.gov.ph/ ) na gawa rin ng DOST ay nagbibigay ng impormasyon sa active faults sa bansa.
Maari namang gamitin ng media ang Information chart ng mamamahayag tungkol sa mga sakuna at kalamidad na matatagpuan sa https://ocd.gov.ph/attachments/category/18/Broadcasters_Manual.pdf.
Laman nito ang mga impormasyon sa iba’t ibang sakuna tulad ng mga terminong ginagamit at mga paghahanda at pagtugon. | ulat ni Leo Sarne