OFWs na nais umuwi ng bansa, kabilang sa prayoridad na mabigyan ng lupang sakahan — DAR chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni DAR Secretary Conrado Estrella na prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Overseas Filipino Workers na maging isa sa mga benepisyaryo ng agrarian reform program.

Ito ang sagot ng kalihim sa naging katanunungan ni OFW partylist Rep. Marissa Magsino sa budget hearing ng ahensya sa House Committee on Appropriation na tulungan ang mga kapamilya ng mga OFW na magkaroon ng sariling lupang sakahan.

Ayon kay Sec. Estrella, nabanggit ng Pangulo sa isa sa kanilang cabinet meeting na nais niyang isama ang mga OFW na gusto nang umuwi sa bansa sa priority list.

Paliwanag nito, sa ilalim ng RA 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Program maliban kasi sa landless farmworkers, kasama din sa priority list ang mga retired PNP at AFP personnel, estudyanteng graduate ng 4-year agricultural courses at rebel returnees.

Ayon sa kalihim isang paraan na gawin ito ay amyendahan ang batas o kausapin ang Pangulo para maglabas ng executive order upang maisama ang OFWs na ayaw nang bumalik abroad para magtrabaho at nais nalang manirahan sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us