Kinumpirma ni Energy Secretary Raphael Lotilla na may pahintulot na mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasagawa ng oil exploration sa iba pang bahagi ng bansa, gaya na lamang ng West Philippine Sea (WPS).
Sa budget deliberation natanong si Lotilla kung ano ang hakbang na ginagawa ng ahensya tungkol sa petroleoum exploration sa West Philippine Sea sa gitna na rin ng panghihimasok doon ng China.
Tugon ni Lotilla, batay na rin sa nabanggit ni PBBM sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), magsasagawa ng exploration ang bansa sa ating territorial waters, contiguous zones, at exlusive economic zone ng bansa.
Nangako naman ang kalihim na isusumite sa House Appropriations Committee ang listahan ng service contracts at plano para sa naturang oil exploration. | ulat ni Kathleen Jean Forbes