Pinuri ni National Unity Party (NUP) President and Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang pagsasabatas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “One Town, One Product” (OTOP) Law.
Bibigyan daan nito ang mas mahusay na pagbebenta ng produktong lokal sa international market.
Sinabi ni Villafuerte, ‘complement’ ito sa pinakahuling direktiba ng pangulo sa ilang government offices na idevelop at ipromote ang Philippine export.
Dagdag ng mambabatas na isa sa may akda ng RA 11960, ito maglalatag ng strategic program para sa Philippine Export Development Plan (PEDP) 2023-2028, kung saan nais ng punong ehekutibo na gawing mas competitive overseas ang ating mga produkto at gawing mas ‘resilient and inclusive’ ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Anya, naayon din ang bagong batas sa partisipasyon ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). | ulat ni Melany Reyes