Oplan Pag-abot ng DSWD, target na ring palawakin sa Lungsod ng Parañaque

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa planong pagpapalawak ng programang Oplan Pag-abot sa iba pang lungsod sa Metro Manila.

Kamakailan lang, nagsagawa na ang DSWD ng environmental scanning at profiling activities sa Lungsod ng Parañaque.

Bahagi ito ng preparasyon ng ahensya bago ilarga ang actual reach-out operations sa lungsod na target sa ikalawang bahagi ng Agosto.

Sa kasalukuyan, ongoing ang rollout ng Oplan Pag-abot sa mga lungsod ng Caloocan, Manila, at Pasay.

Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa higit 200 indibidwal na nakatira sa lansangan ang nabigyan na ng iba’t ibang assistance sa Oplan Pag-abot. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us