Sinimulan na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang rollout ng reach-out operations nito sa Parañaque City, bilang bahagi ng pinalawak na Oplan Pag-Abot.
Sa unang araw ng operasyon, aabot sa tatlong unattached adults at 12 kabataan na umano’y inabandona na ng kanilang pamilya ang naabot ng DSWD.
Agad na dinala ang reached-out children at individuals sa DSWD-run centers and residential care facilities na magsisilbi nilang temporary shelter habang inaasikaso ang kanilang pangangailangan.
Kasama namang nag-ikot ng Oplan Pag-abot team ang mga kinatawan ng Commission on Human Rights (CHR), Philippine National Police (PNP), Philippine Statistics Authority (PSA), at LGU. | ulat ni Merry Ann Bastasa
: DSWD

