P1,000 buwanang pension ng indigent senior citizens, napondohan na sa 2024 proposed national budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Buo nang matatanggap ng mga indigent senior citizen ang P1,000 na buwanang pension sa susunod na taon.

Matatandaan na ngayong 2023 ay naging ganap na batas ang Social Pension for Indigent Seniors.

Dito mula P500 na monthly pension ng mga mahihirap na lolo at lola ay itinaas ito sa P1,000.

Subalit hindi na naihabol noon sa 2023 proposed budget ang dagdag funding.

Pagsisiguro naman ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, kanila nang isinama sa 2024 National Expenditure Program ang pampondo para sa pagpapatupad ng batas.

Kabuuang P49.81 billion ang inilaang pondo para sa social pension ng mga indigent senior.

Welcome naman para kay Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang ulat na ito ng DBM.

Aniya, sigurado nang matatanggap ng mga lolo at lola ang nararapat na benepisyo nila salig sa batas.

Umaasa naman si Ordanes, na maihabol pa ng DSWD ngayong taon ang dagdag na P500 para sa naturang monthly pension.

Kasalukuyan ay naghihintay din aniya ang ahensya na maipasok ng DBM ang karagdagang budget.

“Nakasama na sa NEP yung sa indigent. Sure na yun next year. This year naman sa per Sec. Rex [Gatchalian] of DSWD waiting daw sila maidownload ng DBM sa DSWD yung additional. Kaya waiting tayo kung maibigay this year but for next year sure na sure na yun.” ani Ordanes | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us