P5,000 cash assistance sa mga guro, ipinamahagi na — DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naipamahagi na ng Department of Education (DepEd) ang P5,000 cash assistance para sa mga guro.

Pero paglilinaw ni DepEd Deputy Spokesperson at Assistant Secretary Frances Bringas, ito ang one time allowance para sa instructional materials ng mga ito.

Aniya, ibinibigay ang naturang allowance para sa mga guro sa tuwing magbubukas ang mga klase upang makasuporta sa kanilang gastusin sa mga gagamiting learning material.

Paliwanag pa ni ASec. Bringas, ito yung dating chalk allowance na ibinibigay sa mga guro na mas pinalawak pa ang maaaring paggamitan. Magugunitang may ipinasa nang panukala sa Senado para taasan ang ibinibigay na cash assistance/allowance ng mga guro sa P7,000 mula sa kasalukuyang P5,000. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us