P9.2 billion confidential at intel fund, nakapaloob sa 2024 national budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabuuang P9.2 billion ang confidential at intelligence fund (CIF) para sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang nakapaloob sa 2024 National Expenditure Program(NEP).

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, P4.3 billion ang para sa confidential fund at P4.9 billion ang intelligence fund.

Ang naturang halaga ay halos kahalintulad lang ng intel at confidential fund ngayong taon.

Nasa P4.5 billion na CIF ang inilaan sa Office of the President.

Ang Office of the Vice President ay mayroon namang P500 million at P150 million ang para sa Department of Education, na kapwa pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte.

Habang Department of National Defense (DND) naman ay may P1.7 billion na halaga ng CIF.

Pagtiyak naman ni Pangandaman, na ang paggamit ng CIF ay may sinusunod na guidelines salig sa Commission on Audit at may full transparency. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us