Pag-aalis ng mga disenyo sa loob ng mga classroom, sinang-ayunan ni Senador Sherwin Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta si Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian sa nais ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, na alisin ang mga dekorasyon sa mga silid-aralan.

Ayon kay Gatchalian, dapat mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa loob ng mga silid-aralan, at gawin itong kaaya-aya para sa mga mag-aaral.

Sa kabila nito, aminado ang mambabatas na malaki rin ang tulong para sa mga estudyante ng mga display sa classroom lalo na sa mga kindergarten hanggang grades 1 to 3.

Kaya naman dapat aniyang tiyakin ng mga guro, na ang mga nilalagay sa loob ng mga classrom ay makakatulong imbes na maging distraction sa pag-aaral ng mga estudyante.

Tiwala naman ang senador, na handa na ang mga paaralan para sa pagbubukas ng school year 2023-2024.

Kumpiyansa rin si Gatchalian, na alam na ng mga guro ang kanilang gagawin para matugunan ang mga problema sa kakulangan ng mga classroom at mga guro. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us