Pag-aangkat ng 35,000 metriko tonelada ng frozen na isda para sa mga palengke, aprubado na ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayagan na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng frozen na isda para sa palengke sa ikaapat na quarter ng 2023.

Sa inisyung memorandum circular ng DA, nakasaad na 35,000 metrikong tonelada ng frozen fish kabilang ang galunggong , bideye scad, mackerel, bonito, at moonfish ang aangkatin ng bansa mula October 1 hanggang December 31, 2023.

Sa naturang volume, 80% ang ilalaan sa mga rehistradong importers na kabilang sa commercial fishing sector habang ang natitirang 20% ay mapupunta sa fisheries associations/cooperatives.

Kaugnay nito, tanging mga importers lamang na rehistrado sa Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) ang papayagang mag-import at dapat na mayroon itong hawak na cold storage facility lease agreement bago maisyuhan ng sanitary and phytosanitary import clearance.

Sisimulan naman ang pag-iisyu ng unang tranche ng import clearances mula October 1-30 habang ang ikalawang tranche ay ilalabas mula November 6-30. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us