Kinakailangan na pag-aralan ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-aalis ng Bus Carousel sa Edsa.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes ang naturang bus carousel ay naging epektibo hindi lamang nitong nagdaang COVID-19 pandemic at hanggang sa ngayon ay malaki ang naging kabawasan sa mabigat na daloy ng trapiko sa Edsa.
Dagdag pa ni Artes na mas napabilis din ang biyahe ng ating mga commuters mula Monumento hanggang PITX ng 45 minuto.
Napaganda na rin aniya ang mga istasyon ng Bus Carousel kabilang na ang mga bike lanes sa Edsa.
Sa huli, sinabi ni Artes na tanging Department of Transportation (DOTr) lamang ang makapagbibigay ng pinal na desisyon kung aalisin na ang Bus Carousel sa Edsa. | ulat ni AJ Ignacio