Pag-apruba ni Pangulong Marcos Jr. sa Three-year Food Logistics Action Agenda, ikinatuwa ng DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Three-year Food Logistics Action Agenda ng DTI.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual ito ay naglalayon na baguhin ang sistema ng pamamahagi ng pagkain sa bansa. 

Dagdag pa ni Pascual, mababawasan na rin ang mga gastos sa transportasyon at logistic, at matitiyak natin ang maayos na food supply chain efficiency sa bansa

Ang Three-Year Food Logistics Action Agenda ay naglalaman ng anim na pangunahing estratehiya, upang matiyak ang tagumpay kabilang dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahagi ng pagkain ng Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us